Click here Bookmark this page!

Wednesday, March 17, 2010

Updates.. wala lang

Ano ba masasabi ko mga dear readers? Kundi ang saya saya saya. Wala nang sasaya pa sa ginagawa ko ngayon. Kung gusto niyo malaman kung ano nafeefeel ng isang kagaya ko na nagresign after seven years in the call center night shift, mababasa niyo sa last story ng Proud Callboy.
Natutulog ako ng mga 10:30pm dahil inaantok na mata ko then gigising ako ng mga 7am dahil gising na ako. At hindi lang yon... katabi ko na matulog ang aking anak. O di ba? Bonga? Tapos nakikita ko palagi ang araw sa labas ng bintana at kapag umaalis ako ng bahay, nagshishine na ako kagaya lang nila Edward sa Twilight. Nasanay na rin akong hindi nagaabang ng sweldo kada kinsenas dahil yung payroll ko naman noon sa Genpact ay checking account so madalas nagsusulat lang ako ng cheque kapag kailangan na bayaran ang credit card. Maraming nagtatanong kung saan na ako, well, hindi po ako nagaaply sa mga ibang kumpanya. As in ayoko pa talaga. Ngayon ko lang nafeefeel na ang healthy healthy ko at kung kumain ako ng Mcdo, hindi na araw araw... paminsan minsan na lang. Kahit hindi ako uminom ng vitamins, on the go pa rin ako.
Osha cge na. Till next post.

2 Comments:

At 10:23 AM, Blogger kc cordero said...

Pinakamsarap siyempre sa life mo ngayon, lagi na kayong magkasama ng iyong anak. :)

 
At 1:47 PM, Blogger Hazel Manzano said...

KC - yup panalo talaga kapag katabi mo siang matulog sa gabi!!!

 

Post a Comment

<< Home

 
Callwork