Click here Bookmark this page!

Monday, April 19, 2010

Summer Komikon de Avance 2010

Maaga kami dumating ng mudra ko sa UP Bahay ng Alumni... siguro mga 8:30am yun para magset up na ng table.

Eto si Jonas, super aga nitong dumating at nakaset up na ang komikero table. Yan Komikero 5, sold out na kagad. Sorry na lang kayong mga hindi nakakuha!
Ito ang table ko... using an old tarp hehe:
Ito si Johnny... posing posing... ang macho di ba? Let me know kung type niyo siya... preferably male ha...
Mga crowd nagkakagulo na sa mga komiks:
Ito si Ilyn... asawa ni Gerry Alanguilan:
Ito ang indie table.. super dami mong mabibili dito ng mga komiks gawa ng mga independent artists :) Ayan si Gio Paredes ng Kalayaan. Pormang porma...
Love is in the Bag sa mga mahilig sa manga! The best pinoy manga to!
Ito si Kc Cordero.. isang manunulat sa abscbn publishing. Naku, napakaganda ng kuwento niya sa Comicspotting! Kaka enjoy! Matinik din to sa chicks!
Ang barkadahang komikero namely Jonas Diego, Borge Bergonia na kakarelease lang ng kanyang first issue ng Servant komiks, our mistress Johnny Danagan and Neil Cervantes na napaka ginoo.
Ito palagi na lang nakapikit... pano, magagalit si beho kapag nakatitig sa chicks! Let us welcome, Greco Milambiling of Manila Bulletin's Aha Hule. Sorry, la siyang komiks dala nun araw na yun.

Ang wasted na wasted na si Julius Villanueva na nagrelease ng Life in Progress Volume none. Pogi ba? Siya writer ng Pinoy Big Brother. Yes. Writer ng SCRIPT po. At katabi naman niya ay isang gigolo na gumagawa lang ng komiks na Kaiptan Tog at Kulas, Freely Abrigo. Tignan mo ang ngiti... nangaakit.

Hay, sino ba to? Meet Andrew Villar ng Ambush!

Mga bagets na sumasayaw na parang nasa red district... Subukan mo silang kasayaw... talagangbigay todo!
Mula sa Planet of the Eyps, Mr. & Mrs., Baltic & Co. at Kuyug.. meet Sir Roni Santiago:
Eto isang talakerang manunulat ng Call Center Blurbs si Jam Meyer:
Ang mga gumagawa ng wip comics si Hub Pacheco at Ted Pavon... Ayan mga single pa to mga girls pwedeng pwede!
Et0 si Leo... matagal na niyang inaabangan ang Callboy. Malamang nasa langit siya ngayon nagbabasa nito:

wala pacute lang sa kumukuha ng picture:

Mga taga Bayan Knights, Myke guisinga at Robin:
Hmmm... kamukha siya ni John Lapus... este, siya nga daw! Pwedeng pwede siya maging Clover kung may pelikula at cosplay ang Callwork diva?

Komiks komiks at madami pang komiks! Yehey!!!!

Salamat sa lahat ng bumili at dumalo sa launching ng Proud Callboy... Rj Ordenes, Jojo Pacis, Jonathan and Sophia San Juan, Miggy Escano, JR Bumanglag, Kai Castillo, Carlo Vergara, Pilar Esber ang aking buena mano... Mga taga call center at mga estudyante sa UP at lahat kayo!!! Maraming Salamat po! Sa susunod ulit! Saya saya talaga!
Ps - marami akong nalimutang bilhin na mga titles... huhuhu.. sa susunod!

Labels: ,

8 Comments:

At 11:39 AM, Blogger macoy said...

salamat sa trade, hazel!

 
At 11:42 AM, Blogger Heffer Wolfe said...

asteeg! andami mong kasamang celebrities. :D

 
At 3:38 PM, Blogger Gio Paredes said...

Pormang porma ba ako? :D

Sana nagustohan mo ang Kalayaan #9. Sabi sa akin ni Jon Zamar, bitin daw sya eh. Pasensya na kung ganun.

Hayaan nyo at ginagawa ko na ang #10. Sigurado ako na mas lalo kayong mabibitin dun. Hehehe

 
At 6:26 PM, Blogger HUB PACHECO said...

Natawa naman ako sa description namin! Haha! Thanks ms Hazel! Kitakits uli! Tapos ko na basahin ang Book 1! Proud Callboy na kunin ko next time!

-Hub, WIPCOMICS

 
At 7:48 AM, Blogger Hazel Manzano said...

@macoy salamat din! Ang ganda ng school run. As in fresh concept ng zombies. Astig talaaga!
@ariel hehe... Wala ka pla callboy.. Andun ka
@gioparedes yup bitin kalayaan 9.. Sana medyo may closure bago nag end yung series..parang ganun
@hub hehe tama ba?

 
At 10:06 PM, Blogger kc cordero said...

hazel,
di po ako chickboy, ang totoo ay ipinanganak akong torpe sa araw at gabi.
will read proud callboy after the buzz deadline. ty sa trade!

 
At 7:34 PM, Blogger Hazel Manzano said...

KC - natural na sayo ang maging chick magnet. sige, trabaho ka muna. Salamat

 
At 11:04 AM, Blogger life in progress said...

haze, di ako nagsusulat ng script sa big brother. sa ibang show ako.

tambay lang ako sa pbb.

ayun

 

Post a Comment

<< Home

 
Callwork