Click here Bookmark this page!

Monday, May 31, 2010

Komikero Swimming in Nagcarlan

Malayo-layo ang pinunta namin kahapon sa Komikero swimming... sa Nagcarlan Laguna. Taas ito ng bundok... Sa mga hindi nakakaalam, ang Komikero ay isang grupo na binubuo ng mga comic book creators...kahit sino pwede sumali dito basta umaatend ng meeting sa pagkalayo layong San Pablo. At ganda naman ng view di ba?
At syempre, itong si Johnny Balbon ang isa pang nagpapaganda ng view...

Ayan dear readers, tignan niyo ang kanyang pagka-balbon...




Tamang tama naman ang dating namin at magtatanghalian na!
Ayan, mga patay gutom kasi kami... then swimming na!Siyempre yan ang main event sa komikero meeting di ba? Chismis time while in the pool.. Ganyan daw si Jonas mangakit ng babae... may eye to eye contact..nakakaloka

This is Arvin and Kevin. Sino mas pogi sa kanila dear readers? (Si Arvin yung naka skin at si kevin naman yung may tshirt...) paki lagay nalang sa comments yung preference niyo.

Eto naman ang Shaolin Soccer boys. Sino sa tingin niyo ang may pinakamalaking tiyan? Sa comments na lang ulet.
1. Andrew Villar (na orang na orange talaga).
Motto: "Love is forever"
2. Dexter Entera. Motto: "Love is sex."

3. And the grandmaster of Shaolin, Gerry Alanguilan.
Motto: "Love never fails"
Eto ang mga Genpact boys na gaya gaya na gusto na rin magresign...


Maaga kami ni Andrew umalis at di na umabot sa inuman.Sayang, yun pa naman ang pinakamasarap... pero hindi masarap kapag malayo pa ang uuwian mo...
Sobrang tahimik pauwi, nakakapanibago itong probinsyang ito. Pero pinatay din kami ng trafik pagdating ng San Pablo City papasok ng highway. All in all, sulit naman sa saya ang lakarang ito. Salamat guys! Sa susunod muli.

Labels: ,

5 Comments:

At 10:58 PM, Blogger jonasdiego said...

Sayang umuwi agad kayo. Andami pang nangyari noong inuman at afterwards. One for the books or, in our case, the comic books. He he he! ;)

 
At 9:41 PM, Blogger kc cordero said...

Alam ko na kung bakit hindi malulunod si Gerry. :)

 
At 4:32 PM, Blogger Ed said...

Ano pala feeling pag nakakainom ka ng tubig sa pool? Di mo ba naisip naiinom mo libag ng mga lumalangoy? Hehehe! Pero inggit ako...sa swimming, hindi sa accidental swallow ng mga libag. Waha!

 
At 6:59 PM, Blogger Gio Paredes said...

Kadiri si boss Ed. Buti na lang at hindi nya sinabi na umiihi yung ibang tao jan. :D

 
At 5:50 AM, Blogger Hazel Manzano said...

Gio - ay oo! babuy yan si ed!!! LOL!!! Dumudura nga kami sa pool niyan e!

 

Post a Comment

<< Home

 
Callwork