Komiks Review: Estrella Ang Simula
Cover pa lang, nabilib na ako... May embossed lettering at mga kumikislapkislap na ginto.. o di ba? Bonggang bongga ang dating. Tapos, babae pa ang bida o san ka pa?
Maganda ang pagkakasulat sa Estrella. May istorya at pwedeng pwede pumasa as professional script writer itong si Jeri. May kakaunting typo errors pero keri lang. Nakakatawa si Estrella lalo na nun nagaaply siya ng trabaho at nakita ang ex nito. Matatawa ka rin sa eskenang nagvolunteer ito sa sarili upang mabigyan ng kakaibang powers ng mga bitwuin. Of course, ito ang mga elemto na hinahanap ko sa isang super hero comics. Marami kasi hindi ma explain ng mabuti ano at paano naging superhero ang comic characters nila. Marami din ang hindi marunong maglaro sa damdamin ng superhero nila. Pero ibahin natin itong si Estrella. Nagawang tunay na tao ni Jeri ang characters niya. may emosyon, may puta-putang nanay, may mayabang na ex, may masasamang nilalang atbp. Type ko rin ang pagkakaguhit niya sa mga tao niya. May pagka fashion designer style ang mga katawan ant mukha. Bagay na bagay sa kuwento.
Nagpapasalamat ako kay Jeri sa napakagandang istoryang ito. Marami na rin akong naisipang hindi na sundan na superhero komiks dahil nga sa mga kulang na elements.. at least ngayon may kapalit na ako na susundan tuwing sasapit ang komikon. :) Promise, may retention effort ito sa memory.. maalala niyo si Estrella at ang istorya niya na bihira ko makita sa lokal na superhero. Kadalasan kasi nalilimutan ko na ang istorya matapos basahin ang isang indie. Pero gaya ng sinasabi ko, ibahin niyo si Estrella. Konti pa Jeri, pwede na to mag ala Zha Zha Zaturnnah... (hoy ha hindi bading si Estrella! hehe) Congrats Jeri.. one of the komik gems I found in MCC last weekend.
Labels: estrella review
6 Comments:
Marami akong na-miss sa MCC. Babawi ako sa Komikon!
nice review hazel...
nabrowse ko lang si Estrella pero nakalimutan ko nang bumili....next time i'll surely buy
and your dra yap...na-intrigue din ako ...sayang at ni hindi ko na-browse man lang. meron ka ba sa house mo...pag nagawi ako ng las pinas....pasyalan kita sa house mo.
thanks sa callwork....really makes me smile everytime i read it..
more power!!!
@Raipo sige komikon kita kits! Cebucon din sana!
@Dino Yup meron pa sa bahay... sige email me kapag may schedule ka na mag LasPinas!
Thanks!
sabi nga nung mga nakapunta OK din yung Callous komiks. Sana may mag kopya pa nito sa November.
Raipo - I don't have the indie of callous but you can read them online here http://callouscomics.com
Hi Raipo and Hazel! Sorry but I didn't take part in Komikon 2010 but I should have lots of copies in the comic cons in 2011. See ya then!
Estrella... astig!
Post a Comment
<< Home