Click here Bookmark this page!

Tuesday, December 28, 2010

Great Indie Komiks of 2010

Great indie komiks of 2010 I will never forget. Yup that's the title of this blog entry. Maraming magaganda pero ang ilalagay ko lamang dito ay mga istoryang nagbabaga.. naglililiyab... at tumutusok sa aking puso in no particular order. Masasabing legendary for the year 2010 ng indie komiks. Take note, indie lang ito at hindi ko na isinama mga published komiks.

1. Kubori Kikiam 3. Yung mga hindi pa nakakabasa nito, highly encouraged ko itong komiks na ito. Not for children below 18 years old nga lang. Ito ay isang comic strip compilation na gawa ni Micheal David. May kabastusan pero keri lang. At may mga topics tunkol sa tarugo kaya ano pang masasabi ko? Winner ka david! Mga lumang komiks ay mababasa sa http://kuborikikiam.com/

2. Cadena de Amor ng Trese. Ewan kung macoconsider itong indie, pero habang wala pa yung book 4, let us consider this an indie kasi nasa form naman ng xerox at si Budj mismo ang publisher. Gawa ito ni Budjette Tan at Kajo Baldisimo. Ito ay isang kuwentong misteryo tunkol sa mga namamatay sa Luneta park. Maganda ang pagkakasulat ng istorya. Walang butas kung baga. Covered siya all angles at kung pano ito nalutas ng bida nating si Trese.

3. BOO. Particularly yung The Box ni Ron Tan. Short story lang siya pero very touching..leaving a lump in my throat. Wala pa akong Weng weng ni Ron Tan pero balita ko maganda din daw. Looking forward!

4. Estralla 1 ni Jeri Barrios. May review ako nitong komiks na ito. Entertaining siya basahin. Paki check na lang ulet yung review ko.

5. School Run ni Macoy. Napaka fresh ng concept ni Macoy about Zombies. Sobrang nagandahan ako at very creative ang storytelling niya. Nagsimula ang istorya sa isang school bus na papasok sa eskwelahan. Natawa ako nang ito ay parang armour truck na anti zombies. Hehe. Marami pang nakakagulat na gawa gawa dito si Macoy. parang utak JK Rowling itong taong ito.

6. Realm of Dreams ni Lady StoryKeeper - Ito ay tunkol sa isang dalagang nagtatrabaho sa punerarya. May mga kakaibang powers siya at nalalaman niya kung paano namatay ang mga clieteng bangkay. Maganda ang pagkakagawa nito at dinaig pa ang japanese manga.

7.Bakal Boy - ito ay aakalain mo na parang Iron man pero kapag binasa mo na, humor pala itong Bakal Boy. Kaya naman talagang gumaan ang loob ko nang binabasa ko ito. Gawa ito ni Carlo, isang batang batang artist.

8. Anak ng Tupang Itim 2. - ito ay isang spot cartoons. Gawa ni Omeng Estanislao. Makikita mo ang iyong sarili sa kanyang mga cartoons. Ayoko nang magsalita.

9. Komikero Komiks 5 & 6 - Ito ang pinakamagandang komiks anthology na dinaig lahat ng anthology... hindi ako biased. Kahit tanggalin pa ang mga gawa ko dito, binibili ko talaga ang Komikero komiks ever since. Its a fruit of passion. Kitang kita sa mga gawa ng mga Komikero group.

10. My Falling Star Girlfriend ni Mark Bustamante. Nagenjoy ako basahin ito. Sana may book 2 noh? Cheezy kasi ako eh.

11. Punnx - ito ay isang spoof ng Funny Komiks na gawa nila Dennis at JP. Sobrang funny! Pero ganyan naman talaga kapag spoof, given na na funny pero panalo pa rin yung humor nila!

Hope to see you guys make more indies this coming year. Kayo ano mga nagustuhan niyong Indies na lumabas itong 2010?

Labels: ,

3 Comments:

At 10:22 AM, Blogger Hazel Manzano said...

Uu nga pala, Yung PUNNX!!! yun PUNNX! gusto ko rin yun!!! Sana magpatuloy pa sila

 
At 9:15 PM, Blogger Raipo said...

Agree ako sa lahat nang narito :D

 
At 11:03 AM, Blogger ron said...

aww! thanks for adding our comic to this very cool list! what an honor! i'm glad we achieved what we set out to do with the BOO! preview, even with just 2 pages per story.
more comics for 2011! :D

 

Post a Comment

<< Home

 
Callwork