Click here Bookmark this page!

Tuesday, April 26, 2011

Komiks Review: Kanto Inc.

 Ito ay isang mini comic series na gawa nila Joanah Tinio-Calingo at ng kanyang asawa na si taga-ilog. P50 ang isa nito. 20 pages black and white. Nasa issue 2 na ito noong Komikon 2011. Bagamat xerox ito, very professional naman ang pagkagawa pagdating sa illustration at writing. Masasabi kong dugo at pawis din ang pagkakagawa dito. Maganda ang takbo ng istorya. Tunkol ito sa isang babaeng newly grad na napadpad sa pagiging tech support agent tapos natigok din. Naghanap ito ng bagong trabaho bilang computer tutor sa isang mayamang matandang lalaki at dito na nagsimula ang kwento.
At bakit ko nasabing maganda ang takbo ng istorya? Bawat frame nito ay may silbi. May direksyon. Kung baga sa pelikula, I would rate it as "Suspense". 
Very detailed din ang pagguhit nito. ´╗┐Mula sa facial expression hanggang sa background. Ito siguro ang nakagaganda kapag dalawa kayong artist and at the same time good writer. (Isang magandang teamwork ang ipinakikita nitong obra na ito). Pero teka, sino si Kilayman? Tatlo kasi silang gumawa nito. Malamang isang magaling na artist din si Kilayman. Isang comment lang sa art nito... sana detailed din yung mga nude scenes pero nga baka target market din nila mga bata kaya hindi pwede. Comparable siya sa Nurse macho ni Kriss Sison at Marco Dimaano na lumabas noong Komikon 2009 ata. Pero nga mas bastos ang Macho Nurse. Well, di ito mawawala lalo na kapag Manga style humor ang ginagawa mo. Isang halimbawa na ay ang Ranma 1/2 na pambata pero may pagka bastos siya. Same as Doraemon manga na pinapakita ring nakahubad si nobita. Teka napalayo na tayo sa usapan. Very promising itong Kanto Inc. I hope na magtuloy tuloy ito at lalong tumindi suspense with drama.

Labels:

4 Comments:

At 1:34 PM, Blogger John said...

Hello po Ms. Hazel. Si Kilayman po ang nagdrawing ng buong komiks na Kanto Inc. Si Joanah at Ilog po ang nagsulat at nagproduce nito.

 
At 2:13 PM, Blogger indie hunter said...

Maraming Salamat sa review~! *___*

 
At 8:40 PM, Blogger Raipo said...

Dami ko namiss nung Komikon.Dang.

Nude scenes! nakow benta sa kin to.

 
At 5:17 PM, Blogger Hazel Manzano said...

John - Thanks for the errantum!

INdie - np! I liked it very much.

Raipo - Uu nga e dami ko rin na miss

 

Post a Comment

<< Home

 
Callwork