Alamat ng Panget ni Apol StaMaria
"Gagawa ako ng pinaka pangit na comics sa buong 'Pinas". Siguro ito ang naisip ni Apol nang simulan niya ang "Alamat ng Panget". Sa sobrang kapangitan, talahgang napakaganda ang kinalabasan nitong komiks. Kakaiba ang approach nito at kaka aliw siya. Sobrang maaalala mo kung pano ka magdrowing-drowingan nun kabataan mo pa. Go with the flow lang ang story and art. Isa sa pinaka nagustuhan kong kwento dito (dahil compilation to ng maraming kwento) ay yung bata na gustong lumabas sa telebisyon at niligaw ng lola para lumabas sa "eye to eye". Yun nga lang, wala nang "eye to eye" na palabas. Isa pa sa natawa ako ay yung cyborg robot na nakahubo na sumasayaw.
Personal na ipinalimbag ni Apol ito. Siya ay nagtatrabaho na sa advertising company. Nakilala ko si APol noon pang college sa fine arts at magaling na talaga siya lalo na sa pagdrowing ng graffiti. Cute din ang girl pren nito noon pero di ko alam kung sila pa hanggang ngayon. Anyways, Super laugh trip itong komiks na o kaya kung napadaan kayo sa Sputnik, Cubao, bumili na kayo. Or else mag antay na lang kayo sa next Komikon (summer pa) para makabili nito dahil hindi ito available sa bookstores. More power to you Apol! Aabangan ko ang mga susunod mong komiks. Mabuhay!
Labels: Alamat ng Panget, Apol Sta. Maria, komiks review
0 Comments:
Post a Comment
<< Home