What are the Elements of a Successful Comic Strip?
Matagal na rin ako naghahanap ng kasagutan sa tanong na ito. Sa totoo lang, wala namang makakapagsabi kung magugustuhan ng mga tao ang comics mo o wala lang sa kanila... unless, gumawa ka ng mga 15-25 comic strips at ipa-basa mo sa mga kamag anak mo. Masdan mo ang reaksyon nila. Mas oki na ang kamag anak dahil nagsasabi ng totoo kesa mga kaibigan na bobolahin ka lang.
Pero may elemento ba talaga na kinakailangang gamitan para maging successful ang comic strips mo? (I'm using tagalog since the comics I'm making is in taglish anyway). Eto ang mga iilan sa mga napansin ko:
4. Mahirap... talagang mahirap magdrowing. Matagal na akong hindi nagdodrowing nang simulan kong gawin ang Callwork. Dadaigin pa nito ang Alamat ng Panget ni Apol sa kapangitan ng mga drowing ko lalo na nun simula. Marami ring hindi nakakatawa na script. Pero, hindi ko alam yun noong ginawa ko ang comic strip ko. Nalaman ko na lang na super hindi nakakatawa nang ipa- basa ko to sa ate at nanay ko. Dapat open kayo sa ganitong mga kritiko. Paglaruan ang script. 'Wag magisip masyado ng tamang spelling o grammar. Isipin niyo lang kung papano nagsasalita ang mga tao sa paligid, yun ang ilagay niyo. Mas ok kasi kapag may word play o makatotohanan ang dialogue.
Marami din akong pagkakamali tulad ng figure drawing. Mas ok magpractice nito kapag may oras. Yun nga lang, sorry na lang sa mga busy na tulad ko... medyo matagal ang improvement ko sa area na to.
5. Matapos nun, if you want to stick to your topic, magisip pa kung paano ang presentation. Dito magaling ang Kikomachine at Pugad Baboy. Nakakahanap sila ng nakakatawa sa mga sitwasyong normal.
6. Huwag abusuhin ang concept na "simple" tulad ng Peanuts, Dilbert at Cathy. Oo simple ang approach nito, maganda. May "space". Pero please lang, huwag abusuhin dahil lang tamad kayo gumawa ng background... kung kaya pinasasalita niyo na lang mga ulo ng karakter niyo.
7. Infomercial pa ang ginagawa niyong comic strip? Nakakawalang gana kasi magbasa ng ganito kahabang script...
8. Maging creative sa paggamit ng font/ lettering. Iwasan din ang masyadong maliliit na letra. Sa standard size na newspaper comic strip, (3x10 inches) usually 12-14 font size ang gamit.
9. Ipa- basa ulit sa mga kamag anak ang na revise mo nang script at drowing. Ganyan talaga kapag nagsisimula... Itapon mga strip na hindi nakakatuwa. Wag manghinayang. Sa huli, kapag na master mo na nag flow ng comics mo, kahit wala nang taga basa, ikaw na mismo makakapagsabi kung pasado ang comics mo o hindi sa audience.
10. Ngayon, meron ka nang 15-25 comic strips na sa tingin mo ay perpekto na at pasado na sa mga audience mo, subukang magsubmit sa mga newspaper. Hindi ito nagbibigay ng feedback kapag na reject ang iyong comics. Mas ok na sigurong tumawag at humingi ng feedback. O kaya't kapag personal mong kaharap ang editor, sasabihin na kagad nito ang mga mali sa comics mo. Kapag hindi nakuha ang comics mo, revisit mo ulit lahat... Baguhin ang script, o kaya ang concept. Mag iba ng topic. Kapag kumbinsido kang maganda ang comics mo, magxerox ng maraming kopya at ibenta sa officemates at kakalase o kaya sa Komikon. Siguro mga 20-40 copies muna. Hintayin ang mga reaksyon. More or less kapag may natanggap kang fan mail, isa itong senyales na magiging successful ang comics mo. Ituloy-tuloy mo na. Kapag wala ka pa ring fan mail or anything( reviews, good and bad) most likely sinasabi na sayo ng tadhana na ihinto na at sinasayang mo lang ang panahon mo sa paggawa ng comics.
6 Comments:
Ouch! Concept ko 'yung Big Jokes noong nasa Risingstar pa ako. But as you can see, marami rin namang strips courtesy of Bladimer Usi.
KC - hehe.. maganda kaya ang pinoy joke book. nagenjoy naman ako. yun nga lang, di na ito kailangang gawin pang comics kung understandable na sha without the comics medium. marami kasing mga artist ang nangongopya lang sa joke book para sa kanilang comic strip
kaya nga sabi ko stroke of genius ang callwork, kasi ang jokes ay may sariling pinagmumulan na mileu. at para maisip mo ang mga jokes na 'yun, mahusay ka talaga. well, proof na 'yung award. :)
helo hazel,
now ko lang nabasa at napansin ang comment mo about the cover of my drawing sa big jokes. Tama ka sinabi about sa cover, pero sumusunod lang ako sa publisher. pero ako ang magdedesisyon, walang dialogue. at hayaan mong patunayan ko na maging unique at may sariling originality sa mga jokes ko. salamat. Blad
blad - thanks for dropping by! what i noticed is there are comics and comic books na lumalabas na yung punchline ay kinokopya lang sa joke book na ganito. Yah i know ur making a jokebook kaya tama lang na ganito ang format. Minsan, mapapansin mo sa komikon, may mga indie doon na alam ko yung jokes galing joke book
Hello Hazel,
thanks din sa comments and ideas mo about how to compose comicstrip at sa iba pa. Alam mo, lalo lang akong napaisip kung tama ba o mali yung pinaggagawa ko mga joke illustration at strip. Kaya napag-isip-isip ko na dapat akong maging mas maingat sa pagguhit at pagabalanse sa cartoon comics ko. Dapat ko rin sigurong ipasuri sa mga kasamahan ko ang paraan ng mga punchline at karakter ko. At you know,masasabi ko lang na nakakuha ako ng mga idea sa yo at maraming salamat. Blad
Post a Comment
<< Home