Click here Bookmark this page!

Thursday, December 10, 2009

Review: Kalayaan ni Gio Paredes


2008 yung taong nadiskubre ko ang Kalayaan komiks. Binili ko ang isyu 1-4. Siguro dahil magaling sa marketing at sales talk ang gumawa nito, napabili ako. Pero talagang bumibili naman ako ng mga indie komiks dahil sa mga kakaibang content nito. Naalala ko yung gabing binasa ko ang Kalayaan 1. Nagandahan ako. May istorya. Di kagaya ng karamihang super heroes na nabili ko na puro bakbakan lang. Natapos ko ito nang isang gabi hanggang issue 4 na talaga naming na-“hook” ako. Hindi pala pang karaniwang super hero si kalayaan. May personalided siya at emotional. Which is somehow realistic sa isang fantasy komiks. Ito ang isang content na nagpaganda nitong komiks. Sumunod ay ang mga larawan nito. Magaling si Gio. Gusto ko yung pagka linis ng style niya at ng inks niya. Madali rin maintindihan ang sequesnce ng story telling niya. In other words, hindi ka maguguluhan sa scenes or mapapaisip na, “teka, anong nangyari dito?” tulad ng mga ibang bakbakan na komiks. Isa itong madaling basahin na super hero komiks. Highly recommended ko itong Kalayaan sa mga mahilig sa action at sa mga gustong gumawa ng super hero komiks dapat ay pagaralan ang style ni Gio Paredes.

Available ito sa sputnik at Comic Odyssey sa murang halaga.

Labels: , ,

3 Comments:

At 11:21 AM, Blogger Gio Paredes said...

This comment has been removed by the author.

 
At 11:23 AM, Blogger Gio Paredes said...

Maraming salamat sa napaka gandang review na ito Hazel. Kung makikita mo lang mukha ko ngayon. Ngiting aso.. hehehe :D

Masaya ako at madaling maintindihan ang comics ko. Yun kasi talaga ang gusto kong mangyari. Katulad mo, maraming beses din kong napapakamot ng ulo pag nagbabasa ako ng ibang mga comics. Lokal man o foreign. Napapasabi din ko ng "teka, anong nangyari dito?". :-)

Salamat uli... :D

 
At 7:29 PM, Blogger Hazel Manzano said...

Gio - uu nga. ito ang hanap ko sa isang super hero komiks. malayo siya sa iba. malaki rin ang edge mo sa script writing. well, hintay hintay pa natin mga ibang lalabas na super hero komiks.. sana hindi puro bakbakan na lang di ba

congrats gio kay kalayaan. isa na shang alamat

 

Post a Comment

<< Home

 
Callwork