Ang sarap pala ng pakiramdam nang matapos ko na gawin ang prototype ng Callwork kong libro.
Una kong ginawa ang Callwork noong taon 2006. Isipin mo, limang taon na akong huminto magdrowing bago ako nakagawa ng komiks. Noong gumradweyt kasi ako sabi ko hindi ako magiging artist. Gusto ko sa corporasyon ako. Ako lang nun ang nag-iisang Fine Arts student na nagexam sa P&G noong 4th year sa awditoryum ng U.P. Lahat sila ay taga engineering o business admin.
Maraming beses na rin akong nagtangkang ihinto ang Callwork. Dahil nga wala akong praktis sa pagguhit, maraming nagdiscourage sa akin na tumuloy pa sa paggawa ng komiks. Isa na diyan ang nanay ko. Hindi naman daw ako magaling gumawa ng jokes. Itigil ko na raw yan. Isa na rin si Gerry A. Sobrang dami daw ang kelangan kong gawin para mapaganda ang komiks ko. At higit sa lahat, noong nagdodrowing ako, may bagong silang pa akong sanggol. Kinakailangan ko rin bumalik sa trabaho nun. Isipin mo, wala akong yaya na magaalaga ng sanggol tapos puyat pa ako sa trabaho ko. Hiwalay na rin kami ng asawa ko nun. Wala talaga akong oras magdrowing drowing ng mga panahaong iyun. Pero naisip ko hindi excuse ang pagka 'busy' na hindi ka na makakagawa ng komiks. Marami ang hindi nakakapagupdate dahil daw 'busy sila'. Leche. sabi ko... lahat naman ng tao busy e.
Di nagtagal, may inapplyan ako na trabaho sa kumpanya rin namin. Excited talaga ako nun kasi makakatrabaho ko ang isang magaling na bise-presidente sa kumpanya. Sapat na na rason 'to upang itigil ang pagdodrowing ng Callwork. Noong nakapag-decide na akong ihinto ang Callwork, bigla namang tumawag ang Manila Bulletin at ilalagay daw nila ang Callwork sa dyaryo nila. Wow, sabi ko. Tapos, bigla na lang hindi natuloy ang trabaho ko dun sa bise presidente... wala na raw kasing budget ang kumpanya namin sa posisyon ko na iyun.
Muntik na rin na hindi ko matapos ang prototype na ito. Bukod kasi na ********* ****** Manager ako ng latest kong kumpanya, bigla akong ginawang ********* Manager din. Isipin mo, doble and trabaho ko sa isang kumpanya tapos nagsusubmit din ako ng strips sa Bulletin. Tapos eto, ang pressure sa paggawa ng libro ng Callwork. Kung hindi lang ako kinulit ni Andrew isang araw, malamang naka tengga ang project na ito.
Ngayon ay nababalot ako sa mas marami pang pagsubok. Tulad ng pagpunta sa DTI, National Library, pagkuha ng ISBN, pagkuha ng business permit, BIR, advertisers ng Callwork, paghahanap ng maganda at murang printing press, marketing collaterals at pagpitch sa mga bookstores. Kung iisipin ko, nalagpasan ko na ba talaga ang pinakamahirap na parte sa paggawa ng komiks o nagsisimula pa lamang ako?
Labels: callwork, production of comics